root@taongbayan ~# cat /archive/1964/kabataang_makabayan.txt
Kabataang Makabayan, ituloy ang rebolusyong 1896
Noong 30 Nobyembre 1964 sa mismong Araw ni Bonifacio, itinatag ang Kabataang Makabayan o KM para ipagpatuloy ang hindi natapos na rebolusyon ng Katipunan.
Tinukoy nito ang tatlong pangunahing suliranin ng ating lipunan, ang imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo. Ang malinaw na tugon ay pambansang demokrasya, tunay na repormang agraryo, at pambansang industriyalisasyon.
Ipinagbawal man ito ng Batas Militar noong 1972 ngunit hindi ito napatay. Muli itong tumindig sa Maynila at Rizal noong 1977, at lumaganap sa buong bansa noong 1984.
root@taongbayan ~# cat /archive/1970/first_quarter_storm.log
First Quarter Storm, ang unos ng kabataan
Mula 26 Enero hanggang 17 Marso 1970, sunod sunod na pinuno ng kabataan ang mga lansangan ng Maynila upang tutulan ang rehimeng Marcos sa pangunguna ng KM.
Sa SONA noong 26 Enero, marahas na binuwag ng pulis ang mapayapang protesta. Noong 30 Enero sa makasaysayang Labanan sa Mendiola, pinaputukan ng pwersa ng estado ang mga raliyista sa tapat ng Malacañang.
Labis itong kinatakutan ni Marcos, at naging isa sa mga pangunahing idinahilan niya para ideklara ang Batas Militar makalipas ang dalawang taon.
Mga pinaslang sa Mendiola noong 30 Enero 1970
- Ricardo Alcantara mula sa UP
- Fernando Catabay mula sa MLQU
- Feliciano Roldan mula sa FEU
- Bernardo Tausa mula sa Mapa High School
// Dito unang sumikat ang sigaw na buhay na buhay pa rin hanggang ngayon, Makibaka, Huwag Matakot!
root@taongbayan ~# cat /archive/1971/iskolar_ng_bayan.log
Hindi rin nakaligtas ang komunidad ng PUP
Noong 19 Marso 1971, huling nakita si Charlie del Rosario, 27 taong gulang na guro sa Philippine College of Commerce o PCC na PUP na ngayon, at lider ng KM habang nagdidikit ng posters sa kampus. Hindi na siya muling nakita. Siya ang kinikilalang unang desaparecido ng rehimeng Marcos, at sa kaniya ipinangalan ang Student Center ng PUP.
Si Dr. Nemesio Prudente na naging pangulo ng PCC mula 1962 hanggang 1972 ay tatlong ulit ding ikinulong ni Marcos. Noong Batas Militar, nagtago siya habang patuloy na tumutulong sa paglaban. Pagkatapos ng EDSA, nagbalik siya bilang pangulo ng PUP. Parehong nakaukit ang kanilang mga pangalan sa Bantayog ng mga Bayani.
root@taongbayan ~# cat /archive/1972/proclamation_1081.pdf
Batas Militar noong 21 Setyembre 1972
Nilagdaan ni Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081. Agad kinamkam at ipinasara ang pribadong media, at ipinagbawal ang lahat ng pagtitipon, welga, pati na ang KM.
Ang unang pinatigil ng diktadura ay ang malayang daloy ng impormasyon. Noon, kinandado ang mga newsroom. Ngayon, isang switch o command na lang sa server ang kailangan para patahimikin ang boses ng mamamayan.
- ang ikinulong
- 70,000
- ang tinortyur
- 34,000
- ang pinatay
- 3,240
// Tantiya ito ng Amnesty International para sa panahon ng Batas Militar.
root@taongbayan ~# cat /archive/martir/roll_call.txt
Mga martir ng sambayanan
Hindi lamang sila basta numero sa listahan. Sila ang mga estudyante, guro, makata, at lider na pinaslang, dinukot, at pinahirapan ng diktadura. Narito ang kanilang mga pangalan.
- Ricardo AlcantaraPRESENTE!
UP, pinaslang sa Mendiola noong 1970
- Fernando CatabayPRESENTE!
MLQU, pinaslang sa Mendiola noong 1970
- Feliciano RoldanPRESENTE!
FEU, pinaslang sa Mendiola noong 1970
- Bernardo TausaPRESENTE!
Mapa High School, pinaslang sa Mendiola noong 1970
- Charlie del RosarioPRESENTE!
guro sa PCC, lider ng KM, dinukot noong 1971
- Liliosa HilaoPRESENTE!
estudyanteng mamamahayag ng PLM, namatay sa kustodiya noong 1973
- Emmanuel LacabaPRESENTE!
makata ng bayan, pinaslang noong 1976
- Lorena BarrosPRESENTE!
tagapagtatag ng MAKIBAKA, pinaslang noong 1976
- Archimedes TrajanoPRESENTE!
estudyante, pinahirapan at pinatay noong 1977
- Macli ing DulagPRESENTE!
pinuno ng Kalinga laban sa Chico Dam, pinaslang noong 1980
- Edgar JopsonPRESENTE!
estudyanteng lider, pinaslang noong 21 Setyembre 1982
- Kasama ang libo libong bayani na walang pangalan sa talaan, presente kayong lahat sa aming alaala!
root@taongbayan ~# cat /intel/2025/nepal_shutdown.log
Nepal at ang Gen Z protests nang patayin ang network
Noong 4 Setyembre 2025, ipinagbawal sa Nepal ang 26 na social media platforms para pigilin ang kritisismo sa gobyerno. Sumiklab ang tinawag na Gen Z fever kung saan dumagsa sa lansangan ang kabataan upang labanan ang digital censorship, korapsyon, at ang tinaguriang Nepo Kids.
Dahil sa lakas ng pagkilos, binawi ang ban at nagbitiw ang Punong Ministro, bagamat 74 ang nasawi. Mabilis na kumalat ang balita sa Pilipinas at nagbigay ng malaking inspirasyon sa kabataan at tech workers. Napatunayan dito na kapag sinikil ang network at internet access, sa kalsada maririnig ang boses ng taong bayan. Makalipas ang dalawang linggo, sumunod ding bumaha ang tao sa Luneta.
root@taongbayan ~# cat /intel/2025/baha_sa_luneta.log
Isang taon mula nang bumaha ng tao sa Luneta
Noong 21 Setyembre 2025 sa anibersaryo ng Batas Militar, dinagsa ng mamamayan ang Luneta laban sa malawakang korapsyon sa flood control projects. Umabot agad sa 49,000 katao ang naroon bago magtanghali ayon sa Manila DRRMO.
Pumatak sa 1.9 trilyong piso ang ginastos sa flood control sa loob ng 15 taon, ngunit napakalaking bahagi nito ang napunta lamang sa bulsa ng mga tiwali. Habang nilulunod ng baha ang mga komunidad, nagpapakasasa naman ang mga burukrata kapitalista. Malinaw na hindi ito simpleng aberya, kundi mismong bulok na sistema.
Ang mga panawagan ng mamamayan
- Panagutin at usigin ang lahat ng opisyal na sangkot
- Bawiin ang bawat pisong ninakaw sa pondo ng bayan
- Ilaan ang pondo sa kalusugan, libreng edukasyon, pabahay, at tulong sa mga nasalanta ng baha
- Isapubliko ang buong SALN ng bawat opisyal
root@taongbayan ~# cat /intel/2026/no_id_no_facebook.log
No ID No Facebook at ang National ID na pambantay
Noong Setyembre 2026, hinikayat ng DICT ang Meta na gamitin ang National ID sa verification ng Facebook, Instagram, Messenger, WhatsApp, at Threads. Sa Senado naman, nais itong gawing age check requirement sa social media sa ilalim ng SB 2424.
Nakakabahala ito dahil mismong physical card ay hindi maipamahagi nang maayos ng PSA matapos itigil ang printing noong Enero 2026, kaya papel na ePhilID lang ang hawak ng marami. Mabagal sa public service ngunit handang gamitin para sa surveillance at pagmamanman sa bawat post ng mamamayan.
Sa bansang may madilim na kasaysayan ng Batas Militar, red tagging, at paulit ulit na data breach sa mga ahensya ng gobyerno, sino nga ba ang magbabantay sa mga nagbabantay?
Mga katanungan ng isang teknolohista
- Sino ang hahawak ng sensitive personal data at gaano katagal ito itatabi sa servers?
- Ano ang pananagutan kapag nagkaroon ng data leak o security breach?
- Paano mapoprotektahan ang mga whistleblower, mamamahayag, at aktibista?
- Bakit kailangang isakripisyo ang karapatan sa malayang pananalita at privacy online?
// Paalala na panukala pa lamang ito at hindi opisyal na patakaran ng Meta na nagpahayag din ng pagtutol dahil sa mga teknikal na komplikasyon.
root@taongbayan ~# cat /intel/2026/ban_muna_bago_isip.log
Ban, rehistro, at paniniktik sa mamamayan
Sa SIM Registration Act, ipinangakong mawawala na ang text scams. Ngayong Setyembre 2026, mismong PNP na ang umamin na hindi ito naging epektibo. Nakakapagrehistro pa rin ang mga sindikato gamit ang pekeng ID, at lumipat na rin sila sa caller ID spoofing. Ang naiwan ay ang personal information ng milyong milyong Pilipino sa mga database na lantad sa peligro ng hacks at leaks.
Pagdating naman sa Roblox noong Marso 2026, agad pinaghanda ng CICC ang mga telco para iblock ang buong platform. Umatras lamang ang DICT noong Abril nang mangako ang kumpanya ng mga dagdag na safety feature. Pagbabawal agad ang unang hakbang ng estado, sa halip na digital literacy, suporta sa mga magulang, at pananagutan ng mga tech platforms.
Iisa ang paulit ulit na takbo ng gobyerno, rehistro, ID, at ban. Hindi hinaharap ang ugat ng suliranin tulad ng kahirapan, kakulangan sa trabaho, at mababang kalidad ng serbisyo publiko. Dagdag pasanin sa masa habang pinalalakas ang kontrol ng estado.
root@taongbayan ~# cat /intel/2026/pax_silica.log
Pax Silica, bagong bihis ng lumang kolonyal na kalakalan
Noong Abril 2026, lumagda ang Pilipinas sa Pax Silica na isang alyansang pinamumunuan ng US para sa supply chain ng AI technology, semiconductors, at critical minerals, kabilang ang planong 4,000 acre na AI native hub sa Luzon Economic Corridor.
Kaunlaran daw ang hatid nito, ngunit ang totoong papel natin ay manatiling exporter ng raw nickel ore at murang lakas paggawa para sa kapakanan ng US sa geopolitical na tunggalian nito laban sa Tsina. Inilalabas ang ating likas na yaman habang walang pambansang industriya na itinatayo sa loob ng bansa. Ito ang patuloy na mukha ng malakolonyal na ekonomiya.
Binatikos ito ng BAYAN bilang paghahanda sa digmaan na ikinukubli sa tabing ng development, at tinawag din ng KMP na malakihang sellout na magpapalala sa pangangamkam ng lupa, pagmimina, at militarisasyon sa mga komunidad.
root@taongbayan ~# cat /root/PAHAYAG.txt
Malakolonyal at malapyudal pa rin ang Pilipinas.
54 taon matapos ang Proclamation 1081, nananatiling hindi tunay na malaya ang Pilipinas. Hawak pa rin ng dayuhang kapital ang ekonomiya, walang sariling lupang sinasaka ang mayorya ng magsasaka, at iilang dinastiya ang naghahari. Nagbago lamang ang mukha ng mga nakaupo, ngunit nananatili ang bulok na sistema.
Bilang mga Iskolar ng Bayan sa CCIS, nauunawaan natin na hindi neutral ang software at code. Maaari itong gamitin sa digital surveillance, censorship, at red tagging, o maaari itong maging sandata ng sambayanan para sa katotohanan at paglaya. Buong puso tayong pumapanig sa mamamayan.
Ang ating panawagan ay pambansang demokrasya, tunay na repormang agraryo, at pambansang industriyalisasyon, kasama ang pagtatayo ng sariling industriya ng teknolohiya na naglilingkod sa bayan at hindi sa dayuhang interes.
- [01]Alalahanin Ibahagi ang totoong kasaysayan at labanan ang historical revisionism at disinformation online.
- [02]Ipagtanggol Bantayan ang ating data privacy at kalayaan sa pananalita laban sa surveillance at censorship.
- [03]Magsuri Pag aralan ang kalagayan ng lipunan at gamitin ang tech skills para ilantad ang korapsyon.
- [04]Kumilos Makiisa sa kilusang masa at gamitin ang ating kakayahan para maglingkod sa sambayanan.
> pindutin ang tatsulok
MARCOS DUTERTE
WALANG PINAGKAIBA!
Parehong kurakot, pahirap sa masa!
Ang masa ang tunay na bayani!
- >> sa mga martir at bayani noong panahon ng Batas Militar
- >> sa Kabataang Makabayan at sa buong henerasyon ng First Quarter Storm
- >> sa mga Iskolar ng Bayan ng PUP
- >> sa ating mga manggagawa at magsasaka
- >> sa matatapang na kabataang Gen Z ng Nepal at ng Luneta
- >> sa bawat teknolohista na tapat na naglilingkod sa sambayanan
Makibaka, huwag matakot!
- [1] Kabataang Makabayan sa Wikipedia
- [2] Larawan ng Kabataang Makabayan demonstration sa The FilAm
- [3] Larawan ng Andres Bonifacio marker sa Liwasang Bonifacio via Wikimedia Commons
- [4] First Quarter Storm sa Wikipedia
- [5] Painting ni Juanito Torres ukol sa First Quarter Storm sa Philstar
- [6] Larawan mula sa GOMBURZA Ltd Legarda and Recto via VERA Files
- [7] Charlie del Rosario sa Bantayog ng mga Bayani
- [8] Nemesio Prudente sa Bantayog ng mga Bayani
- [9] Nemesio Prudente sa Wikipedia
- [10] Larawan ng Charlie Del Rosario Building via Wikimedia Commons
- [11] Proclamation No. 1081 sa Wikipedia
- [12] Martial law by the numbers sa PhilSTAR Life
- [13] Larawan ng Daily Express ukol sa Batas Militar via Wikimedia Commons
- [14] Liliosa Hilao sa Bantayog ng mga Bayani
- [15] Eman Lacaba sa Bantayog ng mga Bayani
- [16] Lorena Barros sa Bantayog ng mga Bayani
- [17] Archimedes Trajano sa Wikipedia
- [18] Macli ing Dulag sa Bantayog ng mga Bayani
- [19] Edgar Jopson sa Bantayog ng mga Bayani
- [20] Larawan ng Bantayog Wall of Remembrance via Wikimedia Commons
- [21] 2025 Nepalese Gen Z Protests sa Britannica
- [22] Ulat ng CNN ukol sa protesta sa Nepal
- [23] Larawan ng Gen Z protesters sa Nepal via Wikimedia Commons
- [24] Larawan ng Sansad Bhavan sa Nepal via Wikimedia Commons
- [25] Ulat ng Inquirer ukol sa Baha sa Luneta
- [26] Baha sa Luneta sa Wikipedia
- [27] Timeline ng Bulatlat ukol sa flood control projects
- [28] Larawan ng Luneta mula sa himpapawid via Wikimedia Commons
- [30] Ulat ng BitPinas ukol sa DICT at Meta National ID
- [31] Panukalang batas sa BusinessMirror ukol sa National ID at age checks
- [32] Ulat ng Davao Today ukol sa privacy concerns sa National ID
- [33] Ulat ng Diskurso PH ukol sa pagkaantala ng PhilSys ID printing
- [34] Larawan ng Sample PhilSys ID via Wikimedia Commons
- [35] Fact check ng Explained PH ukol sa Meta at National ID
- [36] Ulat ng Manila Times ukol sa SIM card registration law
- [37] Pagsusuri ng Rappler ukol sa SIM Registration Act
- [38] Ulat ng Manila Bulletin ukol sa panukalang pag block sa Roblox
- [39] Larawan ng Junk SIM Reg Network protest via WACC
- [40] Larawan ng protesta laban sa National ID via UCA News
- [41] Ulat ng Rappler ukol sa desisyon sa Roblox
- [42] Pahayag ng US State Department ukol sa Pax Silica
- [43] Ulat ng Philippine News Agency ukol sa Pax Silica
- [44] Pahayag ng BAYAN ukol sa Pax Silica
- [45] Ulat ng Inquirer ukol sa pagtutol sa Pax Silica
- [46] Ulat ng Rappler ukol sa pananaw ng sci tech coalition sa Pax Silica
- [47] Larawan ng martsa laban sa Pax Silica via Daily Tribune
- [48] Larawan ng pagtutol ng mga Aeta sa Pax Silica via Pinoy Weekly
- [49] Larawan ng Liwasang Bonifacio via Wikimedia Commons
- [50] 1987 Konstitusyon Artikulo III sa Official Gazette
